Alice in Wonderland Pet Society Dolls and Real Alice in Wonderland Dolls


So nabasa ko yung post ni Shin tungkol sa Pet Society Flowers at ang Alice in Wonderland Items. Na-inspire naman ako ( na-inspire ba talaga o nagi-guilty dahil wala pa akong post???? hehehehe) na magpost ng dolls ng PS na Alice in Wonderland inspired versus sa original na Alice in Wonderland na characters na ginawang dolls......... syempre bidang bida na naman ang google powers ko..... here they are....

First syempre ang cat sa Alice in wonderland.... ( hindi ko alam ang name ng cat eh.... di umubra ang google powers ko... =D)

Alice cat..... vs the cat sa Pet Society

( in fairness, ginawa nilang cute yung dolls... naging iba yung looks ng doll at naging medyo malayo sa original na itsura nito.... pero by the way, cute naman yung doll kaya okay lang.... siguro ay ilalagay ko ito sa aking room kung hindi man ay sa garden....)

Next naman ay yung Rabbit....


Original Rabbit :
(sya yung rabbit na lagi na lang tumatakbo tuwing papasok siya sa eksena....)
Ewan ko lang kung itong image na nakuha ko ay kamukha talaga ng rabbit sa Alice in Wonderland....

yung doll ay hindi maikakailang cute.... sobra!!!! nakakatuwa.... gustung gusto ko itong doll na ito at isa ito sa mga doll na nairelease na nagustuhan ko talaga.... maganda siyang ilagay sa bedroom o kaya ay sa mansion ko na may red na hagdanan....

yung ibang items.... ang majority color ay purple at blue pero sa mga movies naman hindi .... actually hindi ko alam kung bakit pero para sa akin ay mas maganda kung ginawa nilang mas colorful ang mga items next week.... sabi naman ng kapatid ko na mas maganda kung magkakaroon ng items na galing sa ibang pang Disney movies gaya ng Alladin pero para naman sa akin mas maganda kung kasabay ng susunod na Christmas items ay ang Philippine week. magandang X-mas gift yung ng playfish para sa ating mga pinoy!!!




Free Image Hosting at www.ImageShack.us
Arcade & Flash Games (Flash Games) - TOP.ORG game TopOfBlogs Games Blogs Top Blogs
Related Posts with Thumbnails
Print