Shopping for Alice in Wonderland Items + Pre X-mas Items


Sorry kung medyo na delay ng ilang oras ang post na ito. Madami kasing mga istorbo at kailangan kong gawin ngayong araw. Pero anyway, work is work. I have to do this para makalimutan ko naman ang mga disasters sa araw na ito at syempre naman para naman mag-enjoy ako. (isa kaya ito sa mga hobbies ko)

So eto na yung mga new Items.

Sa Clothes, natuwa naman ako. Ang saya ang cute cute nung mga items. Grabe kaso sa tingin ko may inequality dito eh. Bakit puro pambabae yung mga clothes? Tapos isa lang yung panlalaki?! Hehehe.
Sa Luxury store naman, cute ng items. Nandun yung tea party table. Nakakatuwa naman ang playfish ngayon kasi yung mga table ay ginanagaw nilang may laman na. Hindi katulad dati na kailangan mo pang bilihin yung mg pagkain at decorations na kailangang ilagay sa ibabaw nun. Natuwa rin ako doon sa tea party chair. Meron ba talaga n'un sa totoong movie?! Sa tingin ko nman ay wala pero anyway, cute namana sya kaya acceptable naman (medyo costy nga lang)
Sa DIY naman, nandun yung wallpaper ng forest saka yung tiles kaso blue. (blue nga ba talaga yun?!) Mas maganda siguro kung colorful yun. Saka yung isa pang wallpaper yung purple na wall, sa tingin ko hindi ko sya bibilihin kasi wala naman akong paglalagyan.


Sa cash shop (as usual naman) fish bait na naman ang update... cute nung fishes kaso wala naman akong perang pambili ng cash shop. Mahirap lang ako no. XD
Sa Furniture Shop naman, nandoon ang dolls at yung shelf (medyo strange lang kasi naman ang shelf ay nasa furniture eh dati naman ay nasa DIY) Natuwa ako nung makita ko na yung doll (rabbit) ay mura unlike sa news ni Shin na ito ay mga 2500 coins ang price. Nandoon din ang Christmas Items. Medyo naguguluhan ako sa nakalagay na "If you missed a day, the gift will go away". Ang maganda lang ay yung rhyming ng instructions. Hehehehe. o_O

Last but not the least ay ang Garden Shop, in fairness naman kay Mrs. Appleblossom, kahit na matagal na wala update ang garden shop ay worth it ang paghihintay nating mga Pet society addicts. Ang gaganda ng items!!! pinakagusto ko ay yung Wonderland Lake!!! kasi dati ko pa gustung-gustong mabili yung lake na nasa Cash shop kaso alam nyo naman na mahirap lang ako kaya hindi ko afford ang Cash Items.


Cute din yung Wonderland Flowers kasi akala ko ay sa Seed na naman iyon. Masaya ako kasi hindi ko na kailangan pang maghintay to have the flowers.


So far, satisfied ako sa Alice in wonderland Items. Magaganda silang lahat. Kaso ang concern ko mas maganda kung colorful yun. Sa Christmas items naman medyo nakulangan ako. Sana ay may Christmas trees na i-release at wallpapers at iba pa.


OFF TOPIC:
Anong masasabi mo sa ginawa ni Big Brother sa nominasyon?!




Free Image Hosting at www.ImageShack.us
Arcade & Flash Games (Flash Games) - TOP.ORG game TopOfBlogs Games Blogs Top Blogs
Related Posts with Thumbnails
Print